hindi lang isang beses na akong nabato ng tanong na 'to--maraming beses na. dati isasagot ko pa, "00, by birth". gusto kong iparating na kaya ako katoliko ay dahil 'yun ang pinili ng mga magulang ko para sa'kin at hindi nangangahulugang, 'yun din ang pinili kong paniniwala at pamumuhay.
katoliko ang pamilya ko at mga kaibigan kaya hindi ko na rin maisip kung pa'no 'ko humantong sa panahon na hindi na 'yun ang gusto kong paniwalaan. kumalas ako mula sa paniniwala at gawi ng mga katoliko, bakit? simple lang, papaano 'ko magiging katoliko kung hindi ko pinaniniwalaan angmga pinaniniwalaan nila?
hindi ako nagpapa-cute o nakikiuso lang.
'yung best friend ko nung high school, katoliko siya pero nung fourth year na kami, nagsimula na siyang magsimba sa ibang simbahan at kalaunan ay nagpabinyag na nga. noon guna, nayayaya n'ya pa 'kong sumama sa kanya para magsimba. nagustuhan ko nung una kya umulit pa 'ko. pero hindi na nagkaroon ng pangatlo. in-assest ko 'yung sarili ko kung pareho ba kami ng paniniwala at pinaniniwalaan ng mga taong 'to o hindi. nanaig 'yung hindi.
nakakalungkot man, binago ng mga paniniwala namin ang pagkakaibigan namin. 'di ko na s'ya maituring na best friend dahil hindi na lahat napag-uusapan namin. 'pag niyayaya n'ya 'ko ulet sa simbahan nila, tahimik na lang ako, hanggang sa hindi na n'ya 'ko niyaya pa.
magkaibigan pa rin naman kami pero hindi na tulad ng dati. gusto kong irespeto 'yung bago n'yang paniniwala at gusto ko, gan'on din 'yung gawin n'ya.
iba man 'yung pinaniniwalaan ko, hindi 'yun nangangahulugan na masama na 'kong tao. dahil dito, nabuo ko 'yung phrase na, "'di mo kailangang maging relihiyoso, kailangan molang maging mabuting tao."
Monday, August 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment